Ang partylist ay isang marginalize sektor, isang group na ang layunin ay tulungan at mapangalagaan ang kanilang sektor. Katulad ng Agrikultural Sector Alliance of the Philippines or AGAP, ang adbokasiya nila ay more on sa mga kapakanan ng ating mga magsasaka, mangingisda, magbababoy, magmamanok, at kooperatiba. Nilalabanan nila ang illegal smuggling at importation ng mga agriculture products na balang araw ay makakasira at papatay sa ating local products. Maraming partylist dyan na pueding pag pilian, pero syempre sa pag boto kailangan mo silang kilalanin. Talaga bang isang sektor sila, or gawagawa lamang ng isang individual para makapasok sa partylist? Pag nakakuha ng sapat na boto ang partylist ay meron silang seat sa house of representative, kaya dapat din natin kilalanin ang nominee nito, sya ba ang talagang magsasaka, tricycle driver, security guard etc. Ang kagandahan sa partylist, kung talagang isang sektor sila, lahat ng myembro sa sektor nun ang boses, ang nominee ay representative lamang nila, pero as a whole hindi lang iisang tao sila, kundi binubuo ng marami kaya tinawag sila ng isang sektor to represent kung ano man ang layunin at adbokasiya nila.